Manok ni PBBM? Manny Pacquiao nabuking na tatakbong senador

Binunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tatakbong senador si Manny Pacquiao sa parating na eleksyon.

Binunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tatakbong senador si Manny Pacquiao sa parating na eleksyon.

Bumisita si Marcos sa General Santos City para mamahagi ng tulong, kung saan kasama sa event si Pacquiao.

Doon nabanggit ni PBBM na babalik umano sa Senado si Pacquiao, kung saan dati itong nagsilbi ng anim na taon.

“Hindi na natin kailangan ipapakilala, at babatiin ko na lang ang idol ko, ang idol niyo, ang idol natin lahat ang dating senador at babalik na senador, senator Manny Pacquiao,” pambubuking ni Marcos.

Napangiti na lang si Pacquiao sa naging hirit ni Marcos tungkol sa kanya umanong pagtakbo sa 2025 elections.

Isa si Pacquiao sa listahan ng matunog na tumakbo sa ilalim ng senatorial slate ng administrasyon sa 2025.

Sa Manila Standard column noong May 4 ni political strategist Lito Banayo, kasama si Pacqiao sa posibleng maging manok sa senatorial elections.