Mano sa Pambansang Kamao! Manny Pacquiao, dinalaw nina NBA superstar Klay Thompson, Warriors forward Kevon Looney

Tila paborito talaga ng mga banyagang atleta ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Tila paborito talaga ng mga banyagang atleta ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Nauna nang nakahalubilo ni Pacquiao si NBA superstar Karl-Anthony Towns, na kabilang sa koponan ng Dominican Republic na ngayon ay sumasabak sa FIBA World Cup.

Kasunod nito ay nakasama naman ni Pacman ang coach ng Italy na si Gianmarco Pozzecco, na nauna nang nagpahayag ng kanyang paghanga sa Filipino boxing legend.

At, nitong Biyernes, Setyembre 1, isa na namang pinagpipitagang atleta ang nakahalubilo ni Pacquiao—walang iba kundi si Klay Thompson, isa sa tinaguriang “Splash Brothers” ng four-time NBA champions Golden State Warriors.

Maaalalang nauna nang binanggit ni Thompson na bilib siya sa pagmamahal ni Pacquiao sa larong basketball.

Gaya nina Towns at Pozzecco, si Thompson ay inimbitahan ni Pacquiao sa kaniyang mansiyon sa Forbes Park. At gaya rin ni Pozzecco, nakaharap rin ni Thompson si Pacquiao sa isang laro ng chess.

Si Thompson ay lumipad pa-Pilipinas upang i-promote ang kanyang signature sure mula sa Anta. Kasama niya ang kaniyang kakampi sa Golden State na si Kevon Looney.

Sa kanyang Facebook post, nagpahayag ng kagalakan si Pacquiao sa kanilang meet-up nina Thompson at Looney.

“Thank you Klay Thompson & Kevon Looney for the visit. Welcome back to the Philippines! 🇵🇭 🏀 🥊 Golden State Warriors,” ani Pacquiao.