Manny Pacquiao kumpirmado pagbabalik sa politika

Kinumpirma ng dating boksingero na si Manny Pacquiao ang kanyang muling pagsalang sa mundo ng politika sa 2025.

Kinumpirma ng dating boksingero na si Manny Pacquiao ang kanyang muling pagsalang sa mundo ng politika sa 2025.

Ayon kay Pacquiao, siya ay muling tatakbong senador sa ilalim ng partido ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

“Yes, yes… [Under] PFP,” mabilis na sagot ni Pacquiao sa isang ambush interview.

Bago ito, si Marcos ang unang nagbuking ng planong pagtakbo ng Pambansang Kamao.

“Hindi na natin kailangan ipapakilala, at babatiin ko na lang ang idol ko, ang idol niyo, ang idol natin lahat ang dating senador at babalik na senador, senator Manny Pacquiao,” saad ni Marcos sa isang aktibidad sa General Santos City.

Matatandaang nitong 2022 elections ay nagkalaban sina Marcos at Pacquiao sa pagka-pangulo.

Taong 2016 naman nang mahalal si Pacquiao bilang senador.

Nagsilbi rin ang dating boksingero bilang kongresista sa loob ng ilang termino.