Manila RTC judge ni-red tag: Badoy guilty sa indirect contempt

Hinatulan ng Korte Suprema na guilty sa indirect contempt ang dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Lorraine Badoy matapos niyang iugnay ang isang Manila Regional Trial Court judge sa CPP-NPA.

Sa inilabas na desisyon ni Associate Justice Marvic Leonen, pinagmumulta si Badoy ng P30,000 at binalaan ng mas matinding parusa sakaling ulitin niya ang kanyang ginawa.

“For her vitriolic statements and outright threats against Judge Magdoza-Malagar and the Judiciary, respondent is found guilty of indirect contempt,” saad sa desisyon ng korte.

Noong Setyembre 2022 ay inakusahan ni Badoy si Manila RTC Judge Marlo Magdoza-Malagar na kakampi ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army o CPP-NPA. Pinost ni Badoy sa kanyang Facebook account ang artikulong tumutuligsa sa kredibilidad ni Magdoza-Malagar. Pinamagatan pa niya itong “A Judgment Straight from the Bowels of Communist Hell.”

Nag-ugat ang galit ni Badoy kay Magdoza-Malagar nang i-dismiss ng judge ang proscription case na inihain ng Department of Justice. Naglalayon ang naturang kaso na ideklara bilang teroristang grupo ang CPP-NPA.