Manila Rep. Chua tutol sa bawal tattoo ng PNP

Matabang si Manila Rep. Joel Chua sa bagong kautusan sa Philippine National Police (PNP) na ipagbawal na ang tattoo.

Matabang si Manila Rep. Joel Chua sa bagong kautusan sa Philippine National Police (PNP) na ipagbawal na ang tattoo.

Ayon kay Chua, walang nakasaad sa batas na bawal magpa-tattoo ang mga public servant kasama na ang mga uniformed at non-uniformed personnel.

“[Tattoos are] not in the qualifications and disqualifications stated in section 30 of RA 6975. Even the Supreme Court did not prohibit or reject judges bearing tattoos,” paliwanag ni Chua.

Giit pa ni Chua, hindi dapat haluan ng negatibong pagtingin ang mga taong may tattoo.

“Tattoos have nothing to do with the job performance of any police or public servant,” saad ng mambabatas.

Posible umanong maipit sa usapang legal ang PNP dahil ‘unconstitutional’ ang bagong patakaran nito tungkol sa pagbabawal sa tattoo.

Sa PNP Memorandum Circular 2024-023, nakasaad na hindi na pinapayagan ang mga pulis na magpa-tattoo, at kung may visible mang tattoo ay pinabubura na ito ng PNP.