Manila Port luluwag! Marcos binida Batangas Port Terminal

Malaki ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mababawasan ang siksikan sa Manila Port dahil sa in-upgrade Batangas Port Terminal.

Malaki ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mababawasan ang siksikan sa Manila Port dahil sa in-upgrade Batangas Port Terminal.

Ayon kay Marcos, magiging panibagong access point ang Batangas Port para lalong lumago ang ekonomiya ng bansa.

”True enough, maximizing the Port of Batangas helps in decongesting our Manila Ports, causing the dispersal of economic activities to places more than capable of housing entrepreneurial and industrial boom,” saad ni Marcos.

”Of its many uses, nothing surpasses its success in connecting people from distant islands and diverse cultures, bringing them together in fruitful and enjoyable interaction that strengthens the national bond and the unity of Filipinos,” aniya pa.

Sa bagong terminal building, abot 8,000 pasahero na ang capacity nito, malayo sa 2,500 noon.

”This increases the Batangas Port’s annual passenger capacity from four million to 12.8 million,” saad ni Marcos.