Manibela kinasa 3 araw na tigil pasada

Nagdeklara muli ang grupo ng transport group na Manibela na sila ay maglulunsad ng tatlong araw na tigil pasada mula Hunyo 10 hanggang Hunyo 12.

Nagdeklara muli ang grupo ng transport group na Manibela na sila ay maglulunsad ng tatlong araw na tigil pasada mula Hunyo 10 hanggang Hunyo 12.

Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, kahit na napagkasunduan sa mga pagdinig sa Kongreso na walang arestuhan o paglabag ang mga hindi pa naka-consolidate na sasakyan, patuloy na hinuhuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga unconsolidated na PUV na hindi nakatupad ng deadline noong Abril 30 para sa konsolidasyon.

Ito ay bahagi ng PUV Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan, kung saan ang mga operator at tsuper ng jeep ay dapat mag-consolidate sa mga kooperatiba.

Ayon naman kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, 80% na ang mga operator at driver ng PUVs na sumali na sa mga kooperatiba bilang bahagi ng PUVMP. Gayunpaman, para sa Manibela, ito ay dagdag na pasanin sa kanila.

Sinabi ni Valbuena, magsasagawa rin sila ng kilos-protesta sa tanggapan ng MMDA para ipabatid ang kanilang hinaing at para makita kung kakayanin ng 80% ng PUV na nag-consolidate na pagserbisyuhan ang mga pasahero partikular na sa National Capital Region.