Mangingisda sa Romblon, naligtas sa tumaob na bangka

Maswerteng nakaligtas ang isang mangingisda matapos na tumaob ang kanyang bangka sa karagatan ng Romblon.

Maswerteng nakaligtas ang isang mangingisda matapos na tumaob ang kanyang bangka sa karagatan ng Romblon.

Nagpalutang-lutang sa dagat si Segundo Naron, residente ng Brgy. Lonos, Romblon, matapos na tumambling ang kanyang bangka.

Nangyari ang aksidente sa dagat malapit sa isla ng Tablas at Simara.

Mabuti na lang ay nakita si Naron ng mga crew mula sa MB Corcuera. Kaagad nila itong nilapitan para mailigtas at dinala sa bayan ng Corcuera.

Ayon sa mangingisda, tumaob ang kanyang bangka dahil sa biglaang paglakas ng alon.