Mangingisda itinangging niligtas ng China sa Bajo de Masinloc: Gawa-gawa lang nila ‘yun!

Mariing pinasinungalingan ng Philippine Coast Guard at ng mga na-reskyung mangingisda na ang China Coast Guard ang nag rescue sa kanila noong Sabado, matapos sumabog ang makina ng kanilang bangka sa may bahagi ng Bajo de Masinloc.

Sa report ng GMA, sinabi ng mga mangingisda na gawa-gawa lang ng CCG ang claim na sila ang nag assist sa mga mangingisda.

“Sila daw nag-rescue sa amin? Hindi! Gawa-gawa lang nila yun,” ayon kay Rolando Lumampas, isa sa mga na-rescue na mangingisda.

Sa katunayan daw, sa halip tulungan hinarangan pa ng CCG ang mga bangkang tutulong sa kanila.

Nakapag radyo daw sila sa iba pang bangka na malapit sa kanila, kaya sila natulungan ng Philippine Coast Guard.