Mananaig ang demokrasya kay PBBM: Paggawad ng piyansa para kay de Lima, patunay na may demokrasya, hustisya sa bansa — DOJ

Una nang sinampahan si dating Senador Leila de Lima ng tatlong kasong may kinalaman sa iligal na droga, at dalawa rito ay dismissed na.

Pinuri ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla ang desisyon ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) nitong Lunes, Nobyembre 13, na payagan si dating senador Leila de Lima na magbayad ng bail para sa makalabas na ito ng kulungan.

Ito aniya ay patunay lamang sa “independence of the judiciary” at “democracy is alive” sa bansa, sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“It just shows that there is democracy. Democracy is alive and well in our country,” saad ni Remulla sa isang briefing sa DOJ. “It just shows the independence of the judiciary that I have always been saying from the very beginning. We are independent from each other and that they are free to decide as they deem fit.

Kaugnay niyan, sinabi rin ni Remulla na hahayaan niyang ang prosecution na magdesisyon kung ano ang susunod nitong hakbang sa kaso aniya ay naka-file na bago pa man siya maupo bilang DOJ secretary.

“I call it prosecutorial independence. I do not interfere in the job of the prosecution especially with these matters,” pagtitiyak niya.

Una nang sinampahan si De Lima ng tatlong kasong may kinalaman sa iligal na droga, at dalawa rito ay dismissed na.