Mananagot sila sa batas! PBBM, kinondena ang pagsabog sa Mindanao State University-Marawi City

Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsabok sa Mindanao State University-Marawi City nitong Linggo ng umaga, Disyembre 3.

Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsabok sa Mindanao State University-Marawi City nitong Linggo ng umaga, Disyembre 3.

“I condemn in the strongest possible terms the senseless and most heinous acts perpetrated by foreign terrorists upon the Mindanao State University and Marawi communities early this Sunday morning. Extremists who wield violence against the innocent will always be regarded as enemies to our society,” saad ni Marcos isang post sa kaniyang X (dating Twitter) account.

Ipinaabot rin ng pangulo ang kaniyang simpatiya at pakikiramay sa mga namatay sa nasabing pagsabog, at nangakong magpapaabot agad ng tulong ang pamahalaan.

“We are in close coordination with the regional government of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) and the concerned Local Government Units. I thank them for their swift and immediate response to the incident and for their ready support to the victims,” aniya.

Sa parehong post, tiniyak rin ng pangulo na kumikilos na ang pamahaalan upang pangalagaan at proteksiyunan ang kaligtasan ng mga mamamayan sa Marawi at lahat ng vulnerable communities sa bansa.

“I have instructed the Philippine National Police (PNP) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) to ensure the protection and safety of civilians and the security of affected and vulnerable communities,” pagtitiyak ni Marcos. “Additional security personnel are also being deployed.”

“Rest assured we will bring the perpetrators of this ruthless act to justice,” dagdag pa niya.