Mananagot kayo! Pagpaslang sa abogado sa Abra, tahasang kinondena ng IBP

Mariing kinondena ng Department of Justice ang marahas na pagpatay sa abugadong si Maria Saniata Gonzales Alzate, na pinagbabaril sa harap mismo ng kanyang tahanan sa Abra.

Nanawagan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police (PNP) na agarang imbestigahan hindi lamang ang pagpaslang sa isang babaeng abogado sa Bangued Abra noong Huwebes ng hapon, Setyembre 14.

Kinondena ng IBP ang pagpatay kay Maria Saniata Gonzales Alzate sa harap mismo ng kanyang tahanan, at hiniling sa mga awtoridad na tugisin ang mga sangkot sa krimen.

“We honor her memory as an esteemed public interest lawyer and a dedicated Commissioner of the Integrated Bar. She upheld the highest standards of the legal profession, leaving behind an enduring legacy for us all,” sambit ng IBP sa isang pahayag.

Si Alzate, na isa ringng miyembre ng Commissioner of Bar Discipline ng IBP, ay pinagbabaril habang nakasakay sa sarilinig kotse na nakaparada sa tapat ng kaniyang bahay.

Binawain siya ng buhay sa Seares Memorial Hospital.

“(This killing is) unacceptable. We hope the manhunt operation will result in the murderer’s capture so he or she can feel the full force of the rule of law,” pahayag ni Department of Justice spokesperson Mico Clavano sa media.

Kaugnay nito ay bumuo na ang PNP ng grupong tutugis sa mga salarin.