Manager ng BINI: Personal space ng mga talents igalang!

Humingi ng pakiusap ang nation's girl group BINI sa mga fans nito at iba pang manonood na respetuhin ang personal na espasyo at privacy ng mga miyembro nito.

Humingi ng pakiusap ang nation’s girl group BINI sa mga fans nito at iba pang manonood na respetuhin ang personal na espasyo at privacy ng mga miyembro nito.

Sa kanilang Facebook post, sinabi ng grupo na anumang aksyon sa isang babae sa pampublikong lugar na wala niyang pahintulot ay isang gender-based street at public space harassment.

“Nais naming paalalahanan ang lahat ng anumang aksyon sa isang babae sa pampublikong lugar na hindi niya nais, walang pahintulot, at nagbabanta sa kanyang personal space ay maaaring ituring na gender-based street at public space harassment,” saad ng BINI sa kanilang post.

Giit ng management nito, makakaasa ang mga fans na gumagawa ng hakbang ang pamunuan upang proteksyunan ang mga miyembro ng BINI.

Matatandaang sinunggaban ng isang lalaki si BINI Aiah habang papasok sa isang non-related event na dinaluhan ng mga miyembro ng girl group.

Sinuportahan naman ng BLOOMS, official fan name ng grupo, ang ginawang hakbang ng pamunuan ng BINI.

Narito ang kanilang mga kanilang komento:

“Always respect people’s privacy. Even if they are a celebrity, you need to remember that they’re just human beings.”

“Respect our BINIs!!!! Protect our Nation’s Girl Group!!!🌸🌸🌸.”

“Yes! Finally, thank you so much… Please respect and protect all BINI members bl♾️ms…..💛💛♾️”

“No to harassment, let’s respect one another because we are all humans.”

TINGNAN: