Mamumudmod kaya ng jacket at Wilphone sa kampanya? Kuya Wil, tatakbo sa Eleksyon 2025 bilang senador

Tatakbo sa pagka-senador sa 2025 midterm election ang sikat at kontrobersyal na TV host na si Willie Revillame—tatlong taon pagkatapos unang alukin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tatakbo sa pagka-senador sa 2025 midterm election ang sikat at kontrobersiyal na TV host na si Willie Revillame.

Inanunsiyo nito ang kaniyang plano nang makilahok siya sa prayer rally na inorganisa nina dating pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo, Enero 28, sa Davao City Rizal Park.

“Dear President (Duterte), I am praying for this. I am ready to serve the people now, especially those in need,” saad ni Revillame nang magsalita ito sa nasabing rally.

Aniya, una siyang inalok ni Duterte at Senador Bong Go na tumakbo bilang senador noong 2021 bilang bahagi ng PDP-Laban. Subalit tinanggihan niya ito dahil sa kanyang kontrata sa isang TV network.

“I told then President Duterte that I would think about it,” dagdag ni Revillame.

Tatlong taon pagkatapos ang naturang alok, tila nagbago na ang ihip ng hangin.

Klinaro naman ng TV host na hindi siya pinilit ng mga Duterte na kumandidato at bagkus ay nais niya lamang magbigay serbisyo.