Mamboboso sa cruise, kalaboso sa paglalagay ng ‘hidden camera’

Arestado ang isang empleyado sa cruise ng Royal Caribbean matapos mahuli na naglalagay ito ng mga hidden camera sa banyo ng mga bisita.

Si Joseph Mirasol, isang Filipino national at taga-linis ng kwarto sa nasabing cruise, ang itinuturong suspek sa pangyayari.

Ayon sa mga biktima, natuklasan nila ang isang camera na nakakabit sa ilalim ng lababo habang sila ay nasa loob ng kanilang tinutuluyan.

Agad na inimbestigahan ng pulisya ang insidente nang dumating ang barko sa pantalan.

Matapos panoorin ang mga video na nakuha mula sa hidden camera, natuklasan ng mga awtoridad na si Mirasol ang nagtatago nito.

Dahil sa kanyang mga aksyon, siya ay nahaharap sa mga seryosong kaso tulad ng voyeurism sa Broward County at paggawa ng child pornography sa US District Court ng Florida.