Mambabatas: P6 kada kilo ng bigas pa ang ibababa kapag babawasan ang taripa sa pag-angkat nito

Mahahatak pang pababa ang presyo ng bigas ng P6 kada kilo kung matutuloy ang plano ng gobyerno na pansamantalang ibaba muna ang taripa sa pag-angkat nito, ayon sa isang mambabatas.

Kaya pang pababain ng P6 kada kilo pa ang presyo ng bigas kung matutuloy ang pansamantalang pagbawas sa taripa sa pag-angkat nito, ayon kay Albay Rep. Joey Salceda.

Ayon kay Salceda, pinag-aralan niya ito, na isa pa sa mga paraang kinukunsidera ng gobyerno, para pababain ang presyo ng bigas sa merkado. Hindi rin maaapektuhan ang Rice Competitiveness Enhancement Program (RCEP) sa planong hakbang na ito dahil nakuha na nito ang target na P10 bilyong kita mula sa taripa, paliwanag pa ni Salceda.

“With three weeks left before Congress adjourns, this decision is best left to the President and his power to adjust tariff rates when Congress is not in session. Obviously, it will be a temporary modification. But it is a viable solution for present rice price issues. In general, I am supportive of ensuring that we have all the options necessary to meet our local demand and reduce the consumer price of rice,” ani Salceda sa isang pahayag.

“We estimate that the price of imported rice could go down by as much as P6 per kilo as a result of a tariff reduction from 35% to 10%. It will also not compromise the implementation of the Rice Competitiveness Enhancement Program since the P10 billion in tariff revenues required to fund them has already been met by this year’s tariff collections,” he added.

Hinikayat rin ni Salceda ang National Food Authority (NFA) na mamili ng palay sa lokal na merkado para tumulong pa sa pagpapababa ng presyo ng bigas.

“I also strongly suggest that the rice tariff reduction should be accompanied by more aggressive palay buying operations by the NFA, to ensure that the surge in imports does not unduly depress farmgate prices. The Rice Tariffication Law allows the NFA to source palay locally,” ayon sa mambabatas.