Mambabatas, hinikayat na kilalanin si Kathryn Bernardo ng Senado para sa natanggap na pagkilala sa South Korea

Nais ni Senador Lito Lapid na bigyan ng Senado ng pagkilala ang aktres na si Kathryn Bernardo na umani ng parangal sa South Korea para sa pag-arte kamakailan.

Inihain ni Senador Lito Lapid ang Proposed Senate Resolution No. 810 na naglalayong parangalan ang actress na si Kathryn Bernardo na ginawaran kamakailan ng acting award sa South Korea kamakailan.

Ang parangal na ito ay para sa pagkakapanalo ni Bernardo ng Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards 2023 kamakailan lang para sa kaniyang pagganap sa isang nars sa drama series na “2 Good 2 Be True” ng ABS-CBN.

“Kathryn Bernardo, a talented and accomplished Filipina actress, has consistently showcased her exemplary skills, dedication, and passion in the field of acting, captivating both local and international audiences, including Filipinos residing abroad,” paliwanag ng resolusyon ni Lapid.

Dagdag pa nito, “This remarkable achievement by Ms. Bernardo underscores the importance of recognizing and nurturing Filipino talents on the international stage, demonstrating that our artists possess the capability to excel and compete globally.”

Mapapanood si Bernardo sa kanyang bagong pelikulang “A Very Good Girl” kasama ang Golden Globe-nominee na si Dolly de Leon.