Mambabatas, binansagang ‘nonpareil gaslighter’ ang China dahil sa propaganda nito sa WPS

Ang gaslighting ay isang taktika kung saan minamanipula ang isang tao upang magdulot ng pagkalito o alinlangan sa isang bagay.

Tinawag ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte na “nonpareil gaslighter” ang China sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ito ni Villafuerte matapos ang panibagong alok ng China na talakaying muli ang maaaring maging resolusyon sa patuloy na tensiyon sa WPS.

“Beijing, the nonpareil gaslighter, has no place in any negotiating table to discuss the WPS issue as it persists on bullying us and harassing our vessels and fisherfolk on the absurd excuse that the Philippines is the one guilty of ‘infringement and provocation’ in intruding into South China Sea (SCS) islands and adjacent waters that belong to China,”” paliwanag ni Villafuerte.

BASAHIN RIN: ‘They have no heart’: SP Zubiri, kinondena ang China, hinimok si PBBM na pauwiin na lamang ang ambassador nito

Dagdag pa niya, imposibleng maresolba ng mapayapa ang isyu sa WPS kung patuloy sa pagpapakalat ng propaganda ang China tungkol sa pinagtatalunang teritoryo.

“Any diplomatic negotiation has zero chance of reaching a peaceful settlement of the territorial dispute for so long as China keeps its gaslighting ways,” aniya.

BASAHIN RIN: ‘They have no heart’: SP Zubiri, kinondena ang China, hinimok si PBBM na pauwiin na lamang ang ambassador nito

Ang gaslighting ay isang taktika kung saan minamanipula ang isang tao upang magdulot ng pagkalito o alinlangan sa isang bagay.

Ehemplo nito, ayon kay Villafuerte, ay ang akusasyon ni China Coast Guard (CCG) Spokesperson Gan Yu na barko pa ng Pilipinas ang nanadyang mangbunggo sa isang barko ng China malapit sa Ayungin Shoal.

Sinabi rin niya “in accordance with the law and resolutely safeguard national sovereignty and maritime rights and interests” ang mga pagkilos ng China sa WPS.