Mamba out na bilang Cagayan governor

Tanggal na bilang gobernador ng Cagayan si Manuel Mamba, batay sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec).

Tanggal na bilang gobernador ng Cagayan si Manuel Mamba, batay sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec).

Ito’y matapos i-disqualify ng Comelec si Mamba kaugnay sa 2022 local elections.

Ayon sa desisyon na inilabas nitong April 24, nakasaad na nilabag ni Bamba ang sections 2 at 13 ng Resolution No. 10747 sa Omnibus Election Code.

May kaugnayan ito sa pagbabawal na pag-release o disbursement ng kahit anong uri ng public funds habang campaign period.

Dumepensa si Bamba na hindi umano saklaw ng naturang prohibition ang mga local government unit, ngunit hindi ito kinagat ng Comelec.

‚ÄúThis prohibition aims to prevent the use of public funds for campaign purposes, and it serves a deterrent effect on incumbent public officials having control and access to public funds from using the same in furtherance of their own political interests,” saad ng Comelec.

Dahil dito’y bakante na ang posisyon na governor sa Cagayan at papalitan ng Vice Governor ng naturang probinsya.