Maling patakaran ba or content lang? Sikat na fast-food chain, may sagot na sa viral video ng empleyado sa Davao

Nag-viral ang isang TikTok video ng isang empleyado ng Chowking na nag-iikot sa Ecoland sa Davao City upang maka-quota diumano.

Giniit ng sikat na fast-food chain na Chowking na tumutupad ito sa “ethical standards” at prayoridad nito ang kaligtasan ng mga empleyado.

Ito ang sagot ng Chowking matapos mag-viral ang isang TikTok video kung saan makikita ang isang empleyado na nag-iikot sa Ecoland sa Davao City upang maka-quota diumano sa araw na iyon.

Ayon sa nag-upload ng video, nagtatrabaho sa Chowking SM Ecoland ang nasabing staff, at kumukuha ito ng mga order sa laban ng branch upang mapataas ang benta nito.

Sinabi rin niyang ginagamit niya ang sarili niyang pera upang mag-deliver ng mga order. posting time.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng Chowking na pinakiusapan na nito ang nasabing branch na ihinto ang naturang aktibidad habang pag-aaralan pa kung pasok ito sa guidelines at standards ng restawran.

“At Chowking, upholding ethical standards in conducting business is a core commitment, and the safety and well-being of our team members remain our top priority,” sabi ng Chowking sa pahayag nito.

Bwelta naman ng ilang netizens, maling gawain ito kung mayroon mang patakaran ang Chowking tungkol dito.