Maling impormasyon sa WPS isyu pasakit para sa ‘Pinas – DFA

Ang malawakang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa isyu sa West Philippine Sea (WPS) ang isa sa malaking pagsubok para sa Pilipinas, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang malawakang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa isyu sa West Philippine Sea (WPS) ang isa sa malaking pagsubok para sa Pilipinas, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa pahayag ng DFA, dapat pagtuonan ng pansin ang pakikibaka sa maling impormasyon na pinapakalat ng China, partikular na ang tungkol sa ibinibida nilang nine-dash line.

“We must expose the illegality of the nine-dash line that is being used as the basis for threatening the livelihoods of our fishermen,” saad ng DFA. “We should not allow ourselves to be tainted as the aggressors or the violators.”

Dagdag pa ng ahensya, hindi dapat hayaan ng bansa na baliktarin ng China ang kwento tungkol sa kanilang pang-aangkin ng teritoryo.

“We categorically reject the excessive claims and aggressive actions by the People’s Republic of China in the WPS, where they stand in stark opposition to the rule of law and the very principles that ensure peace and stability in our region,” pahayag pa ng ahensya.

Ang nine-dash line ng China ang kanilang batayan para angkinin ang bahagi ng WPS. Hindi ito sang-ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea.