Malinaw na nanlaban ito! Holdaper, arestado matapos ang magtangkang takasan ang pulis sa operasyon

Sapul sa video ang pagsundot ng isang pulis sa suspek at ang pagbatuta rito ng isa pang alagad ng batas. Maya-maya pa nakalabas na ng jeep ang holdaper, na siya namang pinaputukan na.

Tila eksena sa pelikula ang naganap sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Boulevard sa Maynila nitong Sabado ng hapon, Enero 13, nang magtagpo ang mga pulis at isang holdaper.

Kwento ng drayber ng jeep, bigla na lamang sumakay ang isang lalaki sa kaniyang keep sa may J.P. Rizal at kalaunan ay nagdeklara na ng holdap.

“Noong una, kaii-stop lang po namin dito sa may J.P. Rizal. Tapos sinaktuhan niya ng pag-go, alam mo ‘yung akto na bigla siyang sumabit. Pagkasabit niya sa jeep, dumiretso siya sa akin, sa may leeg ko po na may patalim siya. Sabi niya ‘Pre holdap ‘to, dumiretso ka lang,'” aniya.

May limang pasahero pa noon ang drayber ng jeep, kabilang ang isang senior citizen at bata.

Napaligiran rin naman agad ng mga pulis ang jeep, at dito na sila sumabak sa aksiyon upang hulihin ang suspek.

Sapul sa video ang pagsundot ng isang pulis sa suspek at ang pagbatuta rito ng isa pang alagad ng batas. Maya-maya pa nakalabas na ng jeep ang holdaper, na siya namang pinaputukan na.

Pero kahit may tama na ay nagawa pa ring makipaghabulan ng suspek sa mga pulis, na kalaunan ay naaresto na rin ang salarin.

Dinala na ng mga awtoridad sa ospital ang lalaki.