Malinaw na nagkakalat ng fake news si Tatay! Wala sa drug watchlist si PBBM ngayon o magpakailanman—PDEA

Ayon sa PDEA, hindi kailan man nasama si Marcos sa National Drug Information System (NDIS) nito, na ginawa noong 2002 pa. Ang NDIS ay ang intelligence database ng ahensiya ng mga drug personalities sa bansa batay sa mga impormasyong galing sa kapulisan at mga intelligence agencies.

Mariing pinabulaanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang paratang ni dating pangulong Rodrigo Duterte na nasa watchlist ng ahensiya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“The Philippine Drug Enforcement Agency categorically states that President Ferdinand R Marcos, Jr is not in its watch list, contrary to the statement of former President Rodrigo Duterte,” giit ng PDEA sa isang pahayag nitong Lunes, Enero 29.

Dagdag pa ng ahensiya, hindi kailan man nasama si Marcos sa National Drug Information System (NDIS) nito, na ginawa noong 2002 pa. Ang NDIS ay ang intelligence database ng PDEA ng mga drug personalities sa bansa batay na rin sa mga impormasyong galing sa kapulisan at mga intelligence agencies.

Ginawa ang nasabing database sa ilalim ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kung saan isa sa mga mandato ng PDEA ay ang patuloy na pag-update ng watchlist nito.