Maldives ng Pilipinas? Romualdez: Karagdagang pondo para gawing tourist attraction ang Pag-asa at Kalayaan Group of Islands

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na malaki ang posibilidad na maging world-class tourist destination ang Pag-asa Island at Kalayaan Group of Islands gaya ng Maldives kung mapopondohan ang mag-develop nito.

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na maaaring maging world-class tourist destination ang Pag-asa Island at ang Kalayaan Group of Islands sa West Philippine Sea gaya ng Maldives.

“The beauty of the area is astounding. If you just go and visit there, you’ll see how beautiful the place is, so there are many potentials,” ani Romualdez, na bumisita sa mga maliliit na isla noong Huwebes rin kasama ang ilang mga mambabatas.

Binigyang-diin naman ni Romualdez ang kahalagaan ng funding at tamang investments upang gawing tourist attraction ang mga nasabing isla.

“This I will tell you as we were flying over the Kalayaan Island Groups, it’s as if we were flying over the Maldives,” dagdag ni Romualdez. “So, we’re looking at hindi lang to support, hindi lang ‘yung budget ng DND, hindi lang DOTr baka pwede rin yung DOT, kasi napakaganda dito baka pwede itong maging tourist destination.”

Kabilang aniya sa mga dapat ma-develop muna ay isang paliparan at mga pasilidad.