Malasakit sa mahihirap! Romualdez pinasalamatan ‘Lab for All’ sa Tacloban

Pinuri ni House Speaker Martin G. Romualdez ang "Lab for All" project nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa pag-arangkada nito sa Tacloban City.

Pinuri ni House Speaker Martin G. Romualdez ang “Lab for All” project nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa pag-arangkada nito sa Tacloban City.

Ayon kay Romualdez, dahil sa proyekyong ito, magiging abot kaya na sa mga ordinaryong Pilipino ang mga laboratory services tulad ng x-ray, at mga libreng gamot.

“Ang proyekto pong ito ay may malalim na epekto at kahalagahan para sa ating mga kababayang Pilipino. Marami sa ating mga kababayan, lalo na sa mga malalayong lugar, ang walang sapat na access sa mga serbisyong medikal. Dahil dito, madalas na napapabayaan ang kanilang kalusugan,” sabi ni Romualdez.

Dagdag niya, personal na mahahatiran ng serbisyong medikal ang mga Pilipinong nasa malalayong komunidad.

“Para sa mga ordinaryong Pilipino, ang ‘Lab for All’ caravan ay isang malaking tulong. Ito ay nagdadala ng serbisyong medikal direkta sa kanilang mga komunidad. Nagliligtas ito sa kanila mula sa pagod, gastos, at hirap ng pagpunta sa mga malalayong ospital,” aniya.

Pinasimulan ni FL Liza ang Lab for All na may ibig sabihing Libreng Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat.