Malaria sa ‘Pinas pumalo sa higit 6K noong 2023

Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes na ang mga naitalang kaso ng malaria noong 2023 ay 90% na mas mataas kumpara sa sinundan nitong taon.

Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes na ang mga naitalang kaso ng malaria noong 2023 ay 90% na mas mataas kumpara sa sinundan nitong taon.

Ayon sa DOH Research Institute for Tropical Medicine (RITM), umabot sa 6,248 ang mga kaso ng malaria sa bansa noong 2023, higit na mas marami kumpara sa 3,245 noong 2022.

Sa mga kaso noong nakaraang taon, 11 lamang ang naitalang nasawi. Ayon pa sa tala ng DOH, 6,188 sa mga kaso noong 2023 ang mula sa Palawan.

“While the cases and deaths have significantly decreased over the past decade, comparing 2022 and 2023, the cases doubled,” saad ni Kim Patrick Tejano mula sa Disease Intervention and Prevention Bureau ng DOH.

Climate change ang itinuturong dahilan ni Tejano sa pagtaas ng mga kaso ng malaria.

“Kung makikita po natin ‘yung pattern ng pag-ulan nung nakaraan sa Palawan, as early as January, February, nakaka-experience po sila ng bagyo, nagkakaroon pa ng maraming streams or breeding sites of anopheles mosquito,” paliwanag niya.

Samantala, 72 na lalawigan sa bansa ang idineklara nang malaria-free.