Malaking tulong ‘yan: Membership sa UN Security Council, makatutulong sa pangangalaga ng mga OFW, ayon sa mambabatas

Gumagawa ng mga hakbang ang Department of Foreign Affairs na mapabilang ang Pilipinas sa United Nations Security Council. Ayon sa isang mambabatas, malaking tulong ito kung sakali upang mas mapangalagaan ng gobyerno ang kapakanan ng mga OFW.

Suportado ni party-list Rep. Bernadette Herrera ang hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makasama ang Pilipinas sa United Nations (UN) Security Council upang mas mapangalagaan ang kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sinabi ni Herrera nitong Biyernes, Oktubre 13, na kung miyembro ito ng naturang council ay mas mapapabuti ng Pilipinas ang mga diplomatic ties nito sa bansa, pati na rin ang pagprotekta sa mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kaugnay nito, umaasa si Herrera na masisimulan na ang ligtas ng evacuation sa mga sibilyan, kabilang na ang mga Pilipino, matapos magdeklara ng ceasefire ang Israel at Hamas.

“Let us hope and pray for a negotiated ceasefire so humanitarian aid and safe evacuations of civilians, especially the wounded, elderly, and children can take place under the supervision of the United Nations,” saad ni Herrera.

Matatandaang sumiklab ang karahasan sa Israel at Gaza ng atakihin ng Hamas ang ilang bahagi ng tinaguriang Holy Land.