Malaking problema kasi! Recto nirekomenda kay PBBM total ban ng POGOs

Nagbigay na ng rekomendasyon si Finance Secretary Ralph Recto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa total ban sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Nagbigay na ng rekomendasyon si Finance Secretary Ralph Recto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa total ban sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Sa ambush interview kay Recto para sa Impounding Process ceremony ng upper Wawa Dam, sinabi nito na nagpadala na siya ng liham ng kanyang rekomendasyon sa Pangulo.

Bahala na aniya si Pangulong Marcos kung susundin ang kanyang rekomendasyon na tuluyang i ban ang operasyon ng POGO sa bansa, dahil nagdudulot lang ito ng malaking problema.

“Yes because the way it’s being run right now is a big problem, right? Unless we can improve the way we’re doing it,” pahayag ni Recto.

Nabatid na isinumite ni Recto ang rekomendasyon sa Pangulo nitong mga nakaraang linggo at wala pang tugon dito.

Hindi naman matukoy ni Recto kung magkano ang kitang mawawala sa gobyerno sakaling magkaroon ng total ban sa POGO, subalit maliit lamang aniya ito at nakasaad sa kanyang rekomendasyon.