Malaking kita, mas malinis hangin, bentahe ng modern jeep – PBBM

Mas malaki ang kikitain sa araw-araw ng mga driver ng modern o e-jeep habang tumutulong ito na linisin ang hangin at bawasan ang polusyon.

Mas malaki ang kikitain sa araw-araw ng mga driver ng modern o e-jeep habang tumutulong ito na linisin ang hangin at bawasan ang polusyon.

Ito ang ilan sa mga bentahe ng PUV modernization program ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa lingguhang vlog ng Pangulo sa YouTube, sinagot nito ang ilang mensahe ng mga netizen. Isa sa mga tinanong sa kanya ay ang PUV modernization program ng pamahalaan.

Sinabi ng Presidente na ginagawa lamang moderno ang mga PUV para maging bentahe ito sa mga tsuper at hindi pinapalitan ang traditional na jeep na naging bahagi ng pagkakakilanlan ng bansa.

“Hindi po natin pinapalitan ang ating traditional na jeepney, ginagawa lang nating modern. Dahil pagka nilipat natin at gagawin nating electric and mga yan ay mas malaki ang kikitain ng ating mga nagpapasada dahil ang cost per kilometer ng mga electric na bagong modernized jeepney ay mas mababa, mas maganda nga ang kita ng ating mga nagpapasada,” saad ng Pangulo.

Mababawasan din aniya ang polusyon sa bansa dahil magiging malinis na ang usok na lalabas sa mga modernong jeep.

“Bukod pa roon hindi tayo nagdadagdag sa polusyon at tayo sa Pilipinas ay ginagawa natin ang lahat ng kaya nating gawin para tugunan ang problema ng climate change,” dagdag ng Pangulo.