Malaking disgrasya ito kung nagkataon! 1-ton na vintage bomb, nahukay sa construction site sa Benguet

Nahukay ng ilang mga trabahador ng isang ginagawang riprap sa Barangay Kamong sa Sablan, Benguet ang isang vintage bomb, nitong Huwebes, Enero 18. Ayon sa mga awtoridad, tinatayang nasa isang tonelada ang bigat ng nasabing bomba.

Nahukay ng ilang mga trabahador ng isang ginagawang riprap sa Barangay Kamong sa Sablan, Benguet ang isang vintage bomb, nitong Huwebes, Enero 18.

Agad namang dumating ang ilang miyembro ng Explosive Ordnance Division (EOD) upang mamahala sa tamang paghawak sa naturang bomba.

Ayon sa mga awtoridad aabot sa isang tonelada ang bigat ng sinasabing vintage bomb, at buti na lamang raw ay hindi ito tinamaan ng heavy equipment na ginagamit ng mga trabahador sa construction site.

Dinala ng EOD sa isang detonation facility sa Tarlac ang vintage bomb.

Samantala, tuloy lang ang paggawa na naturang riprap, pero tiniyak ng mga awtoridad na may mga hakbang na itong ipinatutupad para masiguro ang kaligtasan ng mga trabahador.

“Nagpulong kami kaugnay sa area, just in case na may mahanap, pati mga contractor na naghuhukay doon, itawag na lang sa malapit na police station kung sino ang nakakasakop para maaksyunan agad ‘yung vintage bomb o UXO [unexploded explosive ordnance] na nahanap,” pagtitiyak ng hepe ng Sablan Police Station na si Capt. Dick Kary Latogan. (AFP)