Malakihang pagtaas ito! Presyo ng LPG tataas ngayong buwan

Nagtaas ng P3.75 kada kilogram ang presyo ng LPG ng Petron nitong Lunes, Oktubre 2, samantalang P2.09 naman kada litro ang itinaas ng AutoLPG.

Muling tataas ang presyo ng LPG ngayong Oktubre, ayon sa mga kumpanya ng langis.

Sa katunayan, nagtaas na ng P3.75 kada kilogram ang presyo ng LPG ng Petron nitong Lunes, Oktubre 2, samantalang P2.09 naman kada litro ang itinaas ng AutoLPG.

“These reflect the international contract price of LPG for the month of October,” paliwanag ng Petron sa isang pahayag.

Itinaas na rin ng Solane ng P3.73 ang ang presyo ng LPG nito. Hindi pa nag-aanunsiyo ang iba pang mga LPG retailers kung magkano ang price adjustment nila.

Ito na ang pangatlong buwan na nagtaas ang presyo ng LPG. Nitong Setyembre lang, nagtaas ng P6.65 kada kilogram ang Petron, samantalang P6.64 kada kilogram naman ang Solane.

Batay sa price monitoring ng Department of Energy, nasa P790–P1,018 ang presyo ng 11-kilogram LPG.