Malaki-laki na ito: Jackpot sa 6/49 at 6/58, parehong lampas P200 milyon na

Sa kasalukuyan ay P241 milyon ang jackpot ng Super Lotto matapos walang manalo sa 6/49 draw nitong Huwebes, samantalang, P208 milyon naman ang jackpot ng 6/58 Ultra Lotto

Parehong lampas P200 milyon na ang grand prize sa 6/49 Super Lotto at 5/58 Ultra Lotto.

Sa kasalukuyan ay P241 milyon ang jackpot ng Super Lotto matapos walang manalo sa 6/49 draw nitong Huwebes, Disyembre 8. Ang lumabas na kumbinasyon ay 24-03-14-19-39-33, na mananalo sana ng P241,825,499.

Gayunpaman, 54 na mananaya ang nanalo P50,000 na second prize samantalang 2,825 naman ang nagwagi ng P1,200 na third prize.

Samantala, P208 milyon naman ang jackpot ng 6/58 Ultra Lotto na may bola nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 8.

Ang laro ng 6/49 Super Lotto ay kada Martes, Huwebes, at Linggo, samantalang kada Martes, Biyernes, at Linggo naman ang bola ng 6/58 Ultra Lotto.