Malakas mamburaot! Rendon, Rosmar umiskapo matapos chumibog sa Coron?

Usap-usapan ngayon sa social media ang pambuburaot nina Rendon Labador, Rosmar Tan at ng Team Malakas sa kinainang restaurant sa Coron, Palawan.

Usap-usapan ngayon sa social media ang pambuburaot nina Rendon Labador, Rosmar Tan at ng Team Malakas sa kinainang restaurant sa Coron, Palawan.

Ang grupo kasi hindi umano nagbayad sa mga kinaing pagkain at humiling na ipa-sponsor na lang ang ginawang pag-chibog!

Kwento ng isang netizen sa X (dating Twitter) na kaibigan umano ng may-ari ng nasabing resto, marami umanong inorder na pagkain ang Team Malakas at ng iabot na sa kanila ang bill ay doon napag-alaman na nagpapa-sponsor pala ang mga vlogger.

“Friend ko yung owner ng isa sa mga kinainan nila here. According sa manager, magulo kausap yung coordinator nila. So ayun ang dami nilang order and saka nalang nainform na nagpapasponsor nung inabot na ang bill sa kanila. Even sa serves no tip,” sabi ng netizen.

“If I’m not mistaken, lahat ng restaurants na kinainan nila dito sa Coron ay “sponsored” (na sila ang nag desisyon). Yung sa friend ko, inabutan ng bill pero di nagbayad,” dagdag nito.

Wala pang komento sina Rendon at Rosmar sa isyu, na siya namang hinatulan ng persona non grata sa buong lalawigan ng Palawan.