Malacañang sa mga ahensya: Bagong Pilipinas hymn isama sa flag ceremony

Kailangan nang i-recite ang Bagong Pilipinas hymn tuwing flag ceremony ng mga ahensya ng gobyerno, ayon sa Malacañang.

Kailangan nang i-recite ang Bagong Pilipinas hymn tuwing flag ceremony ng mga ahensya ng gobyerno, ayon sa Malacañang.

Ayon sa Memorandum Circular (MC) No. 52 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong June 4, layunin nito na itanim ang prinsipyo ng Bagong Pilipinas sa mga empleyado ng gobyerno.

“The Presidential Communications Office (PCO) is hereby directed to implement effective measures to communicate and disseminate the Bagong Pilipinas Hymn and Pledge to all government offices and the public,” saad ng memorandum.

Saklaw ng direktiba ang lahat ng ahensya ng gobyerno at iba pang mga instruumento ng pamahalaan, kabilang ang mga government-owned o controlled corporations (GOCCs) at mga educational institutions.

Ang Bagong Pilipinas ang mukha ng pamahalaang Marcos na pinasimulan noong kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at bise presidente Sara Duterte.