Makukulay, naglalakihang hot air balloons, handog ni Rep. Co sa mga Bicolano

Higit isang dosenang makukulay at naglalakihang hot air balloons ang bibida habang nagsisilbing backdrop ang Bulkang Mayon sa Old Legazpi Airport para sa kauna-unahang Bicol Loco Hot Air Balloon Festival mula Mayo 3 hanggang 5.

Handog ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co amg naturang event na naglalayong mai-promote ang turismo ng Bicol, na magbubukas ng investments at oportunidad para sa pag-unlad ng rehiyon. Magdadala din ito ng maraming trabaho para sa mga Bicolano.

Bukod sa hot air balloons na paliliparin ng mga professionals mula sa Estados Unidos, England, Brazil, France, The Netherlands, at Belgium, tampok din ang aerobatics, skydiving, at kite-flying activities.

Inaabangan na rin ang performance ng iba’t ibang OPM icons tulad nina Sarah Geronimo at Bamboo ngayong araw, Jericho Rosales at Ely Buendia para sa Day 2 bukas, May 4.

Sa datos ng Police Regional Office 5, aabot sa 1,500 uniformed personnel ang magpapanatili ng kapayapaan at seguridad at magbibigay ng assistance.

Tiniyak naman ng Bicol police na gagawin nila ang lahat para maging maayos ang pagdaos ng naturang festival.

Nakalatag na rin ang contigency plans sa oras magkaroon ng emergency o untoward incidents.