Maki-fiesta nang muli! Fiesta Carnival sa Cubao, nakatakdang magbukas sa Disyembre 15

Unang binuksang ang Fiesta Carnival noon pang 1971, at binansagan itong “Manila’s Mini Disneyland.”

Matapos magsara ng higit dalawang dekada ay muling nagbukas ang pamosong Fiesta Carnival sa Araneta City sa Cubao, Quezon City.

Pormal na bubuksan muli ang isa sa mga atraksiyon ng Araneta City sa darating na Biyernes, Disyembre 15.

“This is a Christmas treat from Araneta City to everyone, from the older generation to the new generation. Parang gusto naming i-pass on ‘yung experience ng mga older generation like us,” saad ni Araneta Group vice president for marketing Marjorie Go.

Unang binuksang ang Fiesta Carnival noon pang 1971, at binansagan itong “Manila’s Mini Disneyland.” Nakilala ito bilang isang amusement park na laging dinadayo ng mga pamilya. Sa kasamaang palad, nagsara ito noong 2000s.

Ang nalalapit na muling pagbubukas ng Fiesta Carnival ay libre sa publiko, na makakaasang mas malaki, mas maganda, at mas makulay ang pamosong atraksyon sa Araneta. Magkakaroon na rin ito ng kids’ play area, skating park, at mga trampoline.