Makasaysayang pagbisita: Indo-Pacific Command sa Honolulu, bahagi ng working visit ni PBBM para sa APEC

Makatutulong ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Indo-Pacific Command sa hangarin ng Pilipinas na magpatupad ng rules-based na mga aktibidad sa West Philippine Sea.

Nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Indo-Pacific Command sa Honolulu, Hawaii matapos itong pormal na maimbitahan. Ang makasaysayang pagbisita ay bahagi ng kanyang American tour na parte naman ng kaniyang pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

“His official delegation will form part of the President’s delegation when he visits Honolulu,” saad ni Foreign Affairs Undersecretary Charles Jose tungkol sa naturang pagbisita.

Paliwanag pa ni Jose, makatutulong ito sa hangarin ng Pilipinas na magpatupad ng rules-based na mga aktibidad sa West Philippine Sea.

“It adds a layer to the cooperation that we are trying to establish with like-minded states in order to promote what we have been advocating all along—a rules-based order especially in the maritime areas,” paliwanag ni Jose.

Dadalo rin si Marcos sa isang roundtable discussion sa Daniel K. Inouye Asia-Pacific Center para sa mga pag-aaral sa seguridad bilang bahagi ng kaniyang pagbisita sa Indo-Pacific Command.