Makakauwing ligtas: Pamahalaan, ginagawa ang lahat para sa kaligtasan ng mga Pilipinong hostage sa barko—PBBM

Tiniyak ni PBBM na hindi nag-iisa ang mga Pilipinong hostage dahil kumikilos na ang pamahalaan para sa kanila.

Ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang matiyak na makakauwing ligtas ang 17 Pilipinong napaulat na na-hostage sa isang barko sa Red Sea na inagaw ng mga tulisan.

“The safety of our 17 Filipino seafarers is of utmost concern,” saad ni Marcos sa isang pahayag sa kaniyang opisyal na X (dating Twitter) account.

BASAHIN RIN: Biktima ang Pinoy: 17 Pilipino, kasama sa mga na-hostage sa isang cargo vessel

Tiniyak rin niyang hindi nag-iisa ang mga Pilipinong hostage dahil kumikilos na ang pamahalaan para sa kanila.

“Our seafarers are not alone. The government is doing everything in our power to bring them safely home,” pagtitiyak ni Marcos.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Iran, Oman, Qatar, and Saudi Arabia para sa mga balita sa kalagayan ng 17 Pilipino.

Nakikipag-usap na rin ang Department of Migrant Workers sa mga pamilya nila.

Kinumpirma ng DFA nitong Miyerkules, Nobyembre 23, na kabilang ang mga Pilipino sa mga hostage ng rebeldeng grupong Houthi, na tubong Yemen.