Makakamit na ang kapayapaan: Muling pagbuhay sa peace talks ngn ng pamahalaan, NDFP, suportado ng Norway

Umaani ng suporta mula sa Norway ang pasya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at mga rebeldeng komunista.

Ang kasunduan ng gobyerno ng Pilipinas at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na muling magsimula sa usaping pangkapayapaan ay “step closer” sa pangmatagalan kapayapaan sa bansa.

Iyan ang sinabi ng Norwegian Embassy sa Maynila nitong Miyerkules sa isang post sa X (dating Twitter).

“Congratulations to the government of the Philippines and the NDFP for taking one step closer to lasting peace in the Philippines,”saad ni Norwegian Ambassador to the Philippines Christian Halaas Lyster.

Tiniyak rin niyang todo suporta ang Norway sa pag-uusap ng dalawang kampo upang maatim na ang inaasam na kapayapaan.

“Norway remains a committed partner to the parties in search for a solution to this longstanding conflict. With the increased level of conflict we see in the world today, we hope that countries now can look to the Philippines for some hope,” dagdag ni Lyster.

Una nang inanunsyo ng pamahalaan at ng NDFP ang pagsisimulang muli ng peace talks sa isang joint communique noong Nobyembre 23.

BASAHIN RIN: Unity sa salita at sa gawa: Peace talks sa pagitan ng gobyerno, rebeldeng NDFP, muling binuhay ni PBBM