Makakamit ang mga layunin: Evaluation policy, ipatupad para maatim ang Sustainable Development Goals—Romualdez

Ipinanukala na ng Kamara na gawing “key legislative measure” ang National Evaluation Policy upang ito ay gawin prayoridad sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Magpapatupad ng National Evaluation Policy (NEP) ang bansa upang matulungan ito na makamit ang mga Sustainable Development Goals (SDGs) na itinakda ng United Nations.

Iyan ang tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez sa ikaapat na Asia-Pacific Evaluation Association conference.

“The House leadership is fully committed to the aspirations of the 4th APEA Conference to institutionalize evidence-based decision-making for national development and the SDGs,” giit ni Romualdez sa mga dumalo sa naturang conference noong Huwebes, Disyembre 7.

Partikular na layon ng gobyerno na sugpuin ang kahirapan, na isa rin sa mga SDG.

“This policy is a testament to our commitment to improving governance quality and promoting efficiency in our bureaucratic processes,” ani Romualdez.

Sa katunayan, aniya, ipinanukala na ng Kamara na gawing “key legislative measure” ang NEP na gagawing prayoridad sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“The enactment of this policy will strengthen our legal and institutional framework for conducting regular evaluations of government interventions, fostering a culture of evaluation in the public sector,” dagdag niya.

Ang hakbang na ito, ayon kay Romualdez, ay patunay rin na nakatuon ang atensiyon ng pamahalaan sa mga mahahalagang layunin gaya ng pagsugpo sa kahirapan.