Makakabuti sa ekonomiya ito: Usapang pangkapayapaan, maaaring magpataas ng kumpiyansa ng foreign investors—political analyst

Isa ang pag-aaklas sa mga iniiwasan ng mga foreign investors, kung kaya naman malaking bagay sa paglago na ekonomiya ang mga hakbang ng pamahalaan tungo sa pangmatagalang kapayapaan.

Maaaring tumaas ang kumpiyansa sa Pilipinas ng mga banyagang mamumuhunan dahil sa muling pagbuhay ng pamahalaan sa usapang pangkapayapaan kasama ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sa isang panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon ng PTV-4, ipinaliwanag ni Dr. Froilan Calilung, director ng Local Government Development Institute, na isa ang insurhensiya sa mga iniiwasan ng mga foreign investors, kung kaya naman malaking bagay sa paglago na ekonomiya ang mga hakbang ng pamahalaan tungo sa pangmatagalang kapayapaan.

“We definitely need these FDIs (foreign direct investments) in order to pump-prime further the economy. So, I believe na itong mga usapin na ito ay magpapanumbalik doon sa kumpiyansa ng mga mamumuhunan na maglagak ng kanilang pera at ng kanilang capital sa ating bansa na siya namang magiging mahalaga rin na pagkukuhanan natin ng mga oportunidad para sa ating mga kababayan, lalung-lalo na iyong mga magbabalik-loob sa ating pamahalaan,” paliwanag ni Calilung.

Pinuri rin ni Calilung ang pagbibigay amnestiya ng pamahaalan sa piling rebelde, na aniya’y isa ring kakbang tungo sa kapayaapan at kaunlaran.

“Mahalaga na matuldukan na natin once and for all itong insurhensiya na ito that has been going on and raging on for more than 50 years. And in fact, this is one of the longest, if I’m not mistaken, not only in Asia but in the whole world,” dagdag niya.