Maka-Pilipino ‘yan: P5.768-trilyong panukalang budget, tugon sa pangangailangan ng taumbayan—Zaldy Co

Malaking porsiyento ng panukalang national budget para sa 2024 ay para sa mga social services ng gobyerno, ayon kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Ang P5.768-trilyong General Appropriations Bill (GAB) ay sadyang ginawa para matugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino.

Iyan ang sabi ni House Committee on Appropriations chair at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co matapos na ipasa nang pormal ng House of Representatives ang GAB sa Senado noong Sabado, Nobyembre 4.

“This only means that the government is investing in its greatest asset—its people—as it aims to lay a stronger foundation for sustainable growth and inclusive development,” pagbibida ni Co.

Bilang patunay, malaking porsiyento ng panukalang national budget para sa 2024 ay para sa mga social services ng gobyerno.

Halimbawa, P2.183 trilyon ang ipapamahagi ng GAB sa sektor ng edukasyon, kalusugan, social security, at trabaho.

Dagdag pa ni Co, ang pagpapasa ng Kamara ng GAB ay patunay lamang na maka-Pilipino ang gobyerno sa pamumuno nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez.

“We vow to ensure that Filipinos are not left vulnerable to the economic challenges that lie ahead,” saad ni Co.

Nasa kamay na ngayon ng Senado ang pagbusisi sa GAB, at target nitong maipasa ito sa Disyembre.