Maja Salvador, ipinasilip ang Baby Girl niya

Isang heartwarming post ang ibinahagi ni Maja Salvador sa kanyang Instagram noong Hunyo 10, Lunes, kung saan makikita ang mommy-and-baby moment nina Maja at Maria habang nakikinig ng piano version ng "What Was I Made For" mula sa Barbie movie.

Isang heartwarming post ang ibinahagi ni Maja Salvador sa kanyang Instagram noong Hunyo 10, Lunes, kung saan makikita ang mommy-and-baby moment nina Maja at Maria habang nakikinig ng piano version ng “What Was I Made For” mula sa Barbie movie.

Bagaman hindi kita ang mukha ng baby girl, bakas ang saya at tuwa ni Maja habang yakap-yakap niya ang kanyang minamahal na anak.

“My Heart,” saad sa caption ni Maja sa kanyang post.

Marami sa kanyang mga kaibigan at kapwa artista ang nagbigay ng kanilang pagbati at suporta kay Maja sa mga komento.

Matatandaang ang aktres na nagkumpirma ng kanyang pagbubuntis noong Disyembre ng nakaraang taon, ay nag-announce ng kapanganakan ng kanyang baby girl noong ika-1 ng Hunyo.

Bukod sa pag-announce ng kapanganakan ng kanilang baby girl ay ang kasal niya sa kanyang long-time partner at negosyante na si Rambo Nuñez, ng hindi lang isa, kundi dalawang beses.

PANUORIN: