Maja ready na maging mommy

Excited na si Maja Salvador na tahakin ang buhay ng pagiging nanay.

Excited na si Maja Salvador na tahakin ang buhay ng pagiging nanay.

Nitong Lunes, ibinahagi ni Maja ang sa kanyang IG post ang kanyang baby bump.

“Fully embracing my latest and most challenging role that starts in a few weeks,” saad ni Maja sa caption.

Samantala, maging ang asawa niyang si Rambo Nuñez ay nasasabik na rin sa paglabas ng kanilang magiging sanggol na papangalanan nilang ‘Ramba.’

“I just want to honor you today for your sacrifice and carrying our Baby Ramba safely for 9 months. I know you will be the best Mom to her, just like how you are to me as a wife,” wika ni Rambo sa kanyang IG post.

Disyembre nang ianunsyo ng dalawa ang pagdadalang-tao ni Maja. Enero naman nang malaman nilang babae ang kanilang magiging anak.

Ikinasal ang dalawa noong Hulyo 31, 2023 sa Indonesia.