Mailap: Warrant hinain sa ari-arian ni Quiboloy; Pastor ‘di nahuli!

Personal na pinuntahan ng mga awtoridad ang ari-arian ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy sa Davao upang isilbi ang arrest warrant para sa pastor.

Personal na pinuntahan ng mga awtoridad ang ari-arian ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy sa Davao upang isilbi ang arrest warrant para sa pastor.

Ayon kay Police Regional Office 11 (PRO 11) chief Police Brigadier General Alden Delvo, nagsanib pwersa ang National Bureau of Investigation, PRO 11, Davao City Police Office, Criminal Investigation and Detection Group, at Philippine National Police upang mahanap ang kinaroroonan ni Quiboloy.

“They will be going to the establishments owned by Pastor Quiboloy and will serve the order of arrest for contempt…Honestly, at this very hour, they are at some point in the establishment of Pastor Quiboloy with the assistance of the PNP,” pahayag ni Delvo.

Ngunit sinabi ni Delvo na hindi umano nila nakita ang pastor, kaya naman patuloy ang kanilang paghahanap dito sa pamamagitan ng intelligence information na kanilang nakukuha.

Wala pa talaga. I am relying on the intelligence community na makapagbigay sila ng relevant, timely, and accurate information to me so I could relay to of course my bosses para makagawa kami ng instructions sa lower units,” wika pa ni Delvo.

Gayunpaman, positibo si Delvo na madadakip at kahaharapin din ni Quiboloy ang hatol sa kanya ng batas.

“The long arms of the law will definitely catch up with him and any fugitive in the Philippines or probably around the world. At one time or another, they will be arrested and will be facing the courts,” dagdag pa nito.