Mahinang klase lang pala! Tigil-pasada ng mga tsuper, operator, di umubra — MMDA

Kung layunin ng grupong Manibela na paralisahin ang public transportation sa NCR, ito ay nabigo ayon sa MMDA.

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bigo ang grupong Manibela na paralisahin ang public transportation sa Metro Manila.

Based on our monitoring as of 11 a.m., there was no major disruption of public transportation in Metro Manila. Kung ang purpose ng strike ay i-paralyze ang public transportation, nabigo po sila,” sabi ni MMDA chair Don Artes sa isang press briefing sa opisina ng ahensiya.

Matatandaang nagkasa ng tigil-pasada ang Manibela bilang protesta sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Nanindigan naman si Artes na hindi patitinag ang pamahaan, partikular na sa PUV Modernization dahil naisabatas na ito.

“Ang atin pong pamahalaan ay hindi puwedeng i-hostage ng banta ng economic sabotage at inconvenience ng commuting public lalong-lalo na kung ang dine-demand mo ay mali. Tandaan po natin, ang jeepney modernization ay inuutos ng batas. In fact, more than 70 percent na ang compliant diyan,” paliwanag niya.