Mahina ‘yung internet! PBBM target makisosyo sa Starlink para palakasin ang internet connection sa bansa

Itinataguyod ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapabuti ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makisosyo sa Starlink, isang kilalang tech company sa Estados Unidos upang mapalakas at mapaganda ang internet connectivity sa Pilipinas.

“In the Philippines, sometimes we still hear about ‘mahina ‘yung internet,’ but in the near future through these links that we were able to develop on this trip, we are very confident that we will no longer hear complaints about our internet, our online services. We will instead be hearing phrases for the speed of our country’s internet connectivity,” paliwanag ng pangulo, na naimbitahang maglibot sa pasilidad ng Starlink.

Dagdag ni Marcos, mainam sa Pilipinas ang satellite broadband service na inaalok ng Starlink upang mabigyan ng internet connection ang bawat sulok ng bansa.

“Our vast archipelago, ang ating—pitong libo ang ating isla, that vast archipelago is an ideal candidate for satellite broadband service and we look forward to improving broadband connectivity in the Philippines through Starlink and through all the others,” aniya.

Matatandaang tagapagtaguyod si Marcos sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapabuti ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.