Mahigit P60M halaga ng iligal na droga nakumpiska sa Bicol region

Nakumpiska ng Police Regional Office (PRO-5) sa Bicol Region ang kabuuang P65 million pesos na halaga ng ilegal na droga sa unang kwarter ng taon.

Nakumpiska ng Police Regional Office (PRO-5) sa Bicol Region ang kabuuang P65 million pesos na halaga ng ilegal na droga sa unang kwarter ng taon.

Ayon sa awtoridad, nakuha sa opeasyon ang 17,431.30 gramo ng marijuana, 9,221.82 gramo ng shabu, at 40 gramo ng cocaine.

Bukod dito, nadakip din ang 389 drug personalities sa naturang rehiyon.

Samantala, naaresto naman ang 758 indibidwal dahil illegal gambling.

Sinabi ni PRO 5 Spokesperson Police Lt. Col. Malu Calubaquib na nakuha sa mga ito ang P459,096 na bet money.