Mahigit 800 inmates pinalaya ng BuCor

Pinalaya mula sa iba't ibang operating prisons at mga penal farm sa buong Pilipinas ang kabuuang 805 na persons deprived of liberty (PDLs).

Pinalaya mula sa iba’t ibang operating prisons at mga penal farm sa buong Pilipinas ang kabuuang 805 na persons deprived of liberty (PDLs).

Mas marami umano ang bilang na ito nitong Abril kumpara sa pinalaya noong Marso na nasa 783, pahayag ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na mula sa mga bilanggo na pinalaya noong Abril ay 548 ang tapos na ang kanilang parusa.

Samantala, 161 ay pinayagan sa parole, 67 ay napawalang sala, 28 ay binigyan ng pagkakataon na magprobasyon, habang ang isa naman ay pinawalang-sala sa pamamagitan ng habeas corpus.