Mahigit 6K stranded dahil kay ‘Aghon’ – PCG

Stranded ang mahigit 6,833 pasahero, truck driver, at cargo helper dahil sa Tropical Depression Aghon.

Stranded ang mahigit 6,833 pasahero, truck driver, at cargo helper dahil sa Tropical Depression Aghon.

Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ay ang Bicol, Eastern Visayas, Central Visayas, Southern Tagalog, at Northeastern Mindanao Regions.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nasa 1,492 rolling cargo, 48 barko, at 30 motor-banca ang na-stranded.

Samantala, patuloy ang PCG sa pagsisigurado ng kaligtasan ng publiko, lalo ngayong tag-ulan.

“CG Admiral Gavan also instructed PCG units to coordinate with other rescue agencies and to observe the fastest response time in responding to maritime incidents,” pahayag ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo.